.

Monday, January 12, 2009

Hobbies

Mahilig talaga ako sumali sa contest. Minsan nung sumali ako para sa Yoshinoya Gyudon Eating Contest (March 2007), nag-ask yung sister ng girlfriend ko. At anong naitanong niya? Ask niya, "Bakit siya sumasali sa mga contest na iyan?"

Meron pa isang nag-react: "Kaya mo ba kumain ng ganyan karami? Paano kung may mangyari sa iyo?"

Haay, haay. Sa hirap ng buhay ngayon, lahat ng diskarte, kakayanin mo. Sa ibang tao, siguro weird ang pagsali sa mga contest. Sa iba, mahirap ito gawin, nakaka-pressure, maliit chance manalo.

Pero sa akin, mas weird ang aasa ka na lang sa lotto, or sa raffle. Siguro naman mas-maliit ang chance mo manalo diyan kasi ang panalo mo ay totoong chance lang. Kung sa contest, at least may chance ka manalo kung pinaghirapan mo ng todo ang entry mo.

Para sa akin mas-importante ang sariling sikap kaysa swerte lang.

Sana mas-marami pang organization at mga company ang mag-sponsor ng contest kaysa sa raffle. Dapat i-encourage nila na mas-importante ang tiyaga kaysa tsamba.

Friday, January 9, 2009

Tungkol sa akin

Isa lang akong simpleng tao. Simple pero weird. (Sabi yan ng ibang tao). Hindi kalakihan ang sweldo ko na tulad ng maraming Pinoy diyan. Mabuti na lang at hindi ako naging istambay sa bahay. Ang hirap kaya manood ng tv at maglaro ng Playstation, paulit-ulit, nakakasawa talaga.

Pero sa maliit kung suweldo, tulong naman ito sa family. Medyo bago lang ako sa blogging, at umaasa ako na sana meron opportunity dito sa internet para madagdagan ang aking konting kita.

Sana naman may maganda siyang binubunga kasi naman mahal na sa akin ang 20 pesos per hour na internet. (Sana libre, hehehe.)

Monday, January 5, 2009

Greetings

Hello world! Kagagwa ko lang ng bagong blog na ito. Medyo nahihirapan lang ako mag-post, ang hirap kasi mag blog kung walang internet sa bahay. Tapos wala rin akong laptop or computer man lang.

Mag blog naman ako sa internet shop, sisikuhin pa ng katabi. Tapos sa bayad na 20 pesos kada oras, ang bagal na nga ang internet, init impyerno pa! Kung sabagay "beggars can't be choosers..."

Haaay buhay, wala na ata ginawa kundi magreklamo. Anyways, pilit ko talaga umasenso. Kaya pa-minsan-minsan, sali ako sa mga contest. Sana pagpalain nawa, dahil ang dami ring magagaling na sumasali...

Hanggang sa muli, kung makakuha ulit ako ng chanz mag-blog...